112455.medium 6

the commoner

Claimed by Blog_iconvnuj.wordpress.com

Madalas, Nililimot Kita

over 2 years ago
may mga panahong naalala kita gaya na lang kanina, umulan kasi. bakit kaya nalulungkot ang mga ulap? kaya heto ako lumuluha rin ng mga metapora’t talinghaga baka pa lang sakaling mahugasan nito ang alaala mo at anurin sa pagkalimot kasabay ng tubig-ulan. ———————— madalas kitang naiisip habang nililimot kita. tulad na lang ngayon nandito ulit ako sa tabing-dagat hinihintay ang pagbabalik mo.